Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

Pinag-aaralan ng CICC na irekomenda ang pag-ban sa…

Pinag-aaralan ng CICC na irekomenda ang pag-ban sa Facebook sa bansa kung hindi pa rin susunod ang Meta sa mga patakaran at batas ng Pilipinas

Iginiit sa DZMM ni CICC Executive Director Usec. Renato Paraiso na dapat respetuhin din ng mga platform ang mga panuntunan sa bansa kung saan din sila kumikita lalo sa mga pagkakataong may sensitibong insidente na kailangan ang kanilang kooperasyon.

Una nang sinita ng Senado ang Meta matapos hindi agad matanggal ang video ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University.

Wala rin kinatawan ng platform na dumalo sa pagdinig.
#local #current_events
earnings
4,000 mlx total
$0  total
engagement
7 views
0 reactions

0 comments