Food Vlogger Nanghingi ng ₱5K Para Mag-Promote, Nang Tumanggi ang Kainan, Siniraan!
Viral ngayon ang isang food vlogger na si BulakenyongGala matapos umanong maningil ng ₱5,000 sa isang kainan kapalit ng promotion o pag-feature nito sa kanyang content.
Hindi pumayag ang may-ari sa hinihinging bayad at sa halip ay nag-offer na lamang ng libreng pagkain. Ngunit umayaw umano ang vlogger.
Matapos nito, lumabas umano ang ilang patagong negatibong komento tungkol sa naturang kainan na sinasabing mula sa vlogger. Kalaunan, na-trace rin ang pagkakakilanlan. #ph #pinoy #philippines