Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

Sa lakas ng ulan: Kisame ng SM mall bumigay, 2 bagets…

Sa lakas ng ulan: Kisame ng SM mall bumigay, 2 bagets nabagsakan

BABALA, SENSITIBO ANG MAPAPANOOD. MAGING SENSITIBO SA PAGKOMENTO

Sugatan ang isang dalagita at binatilyo matapos mabagsakan ng bumigay na kisame ng isang mall sa Muntinlupa City nitong Sabado ng hapon.

Agad namang dinala ng mga guwardiya ng nasabing mall ang mga bata sa Divine Mercy Hospital na nagtamo ng mga sugat sa katawan at ulo.

Sa ulat, alas-4:40 ng hapon nang mangyari ang insidente sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Namamasyal umano ang mga biktima nang biglang mabagsakan nang bumigay ang kisame ng nasabing mall.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa noo at tinamaan din ng maliit na bagay ang mata ng 16-anyos na binatilyong biktima na residente ng Multiland 2 habang ang kasing-edad niyang dalagita na nakatira sa Esporlas Itaas ay may posibilidad na ma-dislocate ang kanang bahagi ng balikat.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa nangyaring aksidente.
#philippines #news #ph #pinoy
earnings
2,000 mlx total
$0  total
engagement
2 views
0 reactions

0 comments