DPWH Sec. Dizon, dismayado sa naging sitwasyon ng Talomo River sa Davao City | GMA News
‘KUNG HINDI NINAKAW ‘YUNG PERA, DAPAT WALANG GANITO’
Dismayado si DPWH Sec. Vince Dizon sa hindi natuloy na pagpapataas ng dike sa Talomo River sa Davao City, na sana aniya ay nakatulong para maprotektahan ang mga residente laban sa matinding pagbaha.
Kabilang sa mga hakbang na ipinag-utos ng ahensiya ang agarang dredging ng Talomo River para mapalaki ang kapasidad nitong tumanggap ng tubig, gayundin ang pagpapatuloy ng pagpapataas ng dike bilang dagdag na proteksyon sa komunidad.
Sa isang pahayag, sinabi naman ni Rep. Paolo Duterte na kung nakakagalit ang ganitong sitwasyon ay dapat nang pangalanan at sampahan ng kaso ang mga sangkot sa nangyaring pagbaha sa lugar