Pwede bang intindihin ng ibang pet owners na hindi porket pet-friendly ang isang lugar ay pwede nang pakawalan ang mga aso? May mga taong takot sa aso, at valid fear iyon. May phobia na tinatawag na cynophobia, at para sa iba, hindi basta simpleng kaba lang iyon.
Pet-friendly ang establishment, pero hindi ibig sabihin na puwede nang walang tali ang mga alaga. Responsible pet ownership includes keeping your dog under control and being considerate of other people sharing the same space.
Nakakalungkot lang na kapag may nagca-call out tungkol dito, sila pa ang napagtatawanan o nagmumukhang masama. #current_events #local