Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

Karpintero arestado sa pag-upload ng sensitibong larawan…

Karpintero arestado sa pag-upload ng sensitibong larawan ng ex-dyowa

Kalaboso ang isang lalaki matapos na umano’y ipakalat online ang mga sensitibong larawan ng kanyang dating nobya sa San Mateo, Isabela noong Miyerkoles ng madaling-araw, Agosto 26, 2026.

Kinilala ang suspek na si alyas ‘Mario’, 33-anyos, binata, karpintero, at residente ng Purok 3, Brgy. Salinungan West, San Mateo, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng Sabangan Police Station, ini-upload umano ng suspek ang mga sensitibong larawan ng dating nobya na nakarelasyon niya ng tatlong taon.

Ikinasa ng mga pulis ang operasyon laban sa suspek sa Barangay Salinungan West bitbit ang Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data (WSSECD).

Nakumpiska sa suspek ang isang cellphone na agad isinailalim sa marking, inventory at pagkuha ng larawan ng ebidensya sa mismong lugar ng operasyon.

Dadalhin sa korte ang suspek para harapin ang reklamong paglabag sa Republic Act No. 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.
#philippines #news #pinoy #ph
earnings
1,000 mlx total
$0  total
engagement
2 views
0 reactions

0 comments