Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

Which restaurant na nagsara na ang namimiss niyo na at…

Which restaurant na nagsara na ang namimiss niyo na at bakit?

Okay, now i want to discuss something yung mga restaurants na dati booming sila pero nagsara sila. Masarap ang food kaso bakit sila nagsara? Marami yan eh actually at natatandaan ko pa marami pa silang branches dati pero biglang kumonti at yung iba nagsara.

Andaming examples niyan like yung Zong Restaurant sa the fort na ngayon BGC na tsaka ang never ko na try pero alam ko meron noon si prince of jaipur. Also meron pa natatanaw ko pa sa sm megamall pag dumadaan sa edsa yung sukhothai. Also yung dusit thani restaurant sa glorietta na once i tried it before. Pero nawala bigla tsaka yung thai in a box kung di ako nagkakamali i tried it also.

Tapos sa greenbelt may sorabol pa ata na korean rice bowl kung matatandaan ko pa and yung ten noodles sa glorietta. Sa dessert naman andun si ice monster na never ko din nasubukan. Then recently nawala ang kaya korean restaurant sa jupiter na we used to eat there. Also yung kamameshi house that is located sa circle qc.

Andami pa like sa west ave may pinausukan ata siya then may shangrila times street pa na renamed as peng lai. Also i even heard yung zamboanga restaurant na seafood filipino ata siya and yung vietnamese restaurant sa loob ng sm megamall idk the name of that pati pa pala yung minggoys at una mas i remember kakaloka nawala din sila. May hobbit house din sa malate which is frequented by old afams.

May A&W pa pala na nawala bigla tsaka yung carls jr din kung maalala ko lang sayang. Also sin manangs chicken na dumami and yung rufos tapa. May kyochon pa nga noon pero biglang nawala din pati. Si cindys na dati andyan malakas sila until nawala at naging bakery na lang tapos located sa province only na lang. Yung kimchi pa pala sa food court i still remember and during our field trip sa exploratorium 2000 sa alabang my teacher ordered a kalbi jjim and kimchi with bean sprouts i remember that.

Sa shangrila mall may au bon pain pa kung di ako nagkakamali tsaka si le coeur de france na ang sasarap ng kanilang croissants tsaka may haagen dazs pa pati noon. Pati pa pala yung soms na naririnig ko pero never tried when it comes to thai restaurant and si little caesars unoorder pa kami dati ng pizza noon.

Naalala ko din si texas chicken meron pa ata noon sa katipunan as i remember tsaka may ken afford pa grabe during those days pa. May smokeys pa nga noon eh tsaka si papa johns pizza biglang nawala ng parang bula. Si don henricos naalala ko din sarap ng buffalo or fried chicken in bbq sauce ganyan nakakamiss with pizza and pasta. Also nasa katipunan din ang tia marias cantina where students from ateneo ay tumatambay and everyone's introduction sa mexican cuisine.

Sa fine dining category andyan yung aubergine sa bgc na di naman nagtagal where i used to do internship. Also may le souffle pa ata noon tsaka yung je suis gourmand kung di ako nagkakamali na sikat din. Also meron pa yung kay rob pengson and his ex wife na si sunshine puey they used to have goose station pero nawala din yon eh but never ako nakakain.

Many moons ago back in 1999 and 2000 may isang korean reporter from arirang na she is covering the Philippines yung mga sarado na which is zamboanga restaurant with cultural show and yung the hobbit house pa na isang pub ata siya then yung singing cooks and waiters but now iisa na lang siya. Yung triple v express din sa sm megamall yun din.

May johnny rockets pa sa eastwood paano sila nawala bigla? Then yung country waffles nakakamiss ang old ones pero bumalik iba na. Even si johnny kahukus sa newport at eastwood nawala din yon. Then may thai kitchen pa ata sa tomas morato na sayang nawala din ang sarap sana. Sa bgc meron yung cerveseria nawala siya sa forbestown strip.

Andami pa tsaka kayo ano ang mga alam niyong restaurant na namimiss niyo na pero nagsara siya?
#philippines #ph
source
earnings
3,000 mlx total
$0  total
engagement
5 views
0 reactions

0 comments