Happy Palm Sunday! Eto mga Holy Week activities na pwede natin gawin:
* Magdasal palagi araw-araw (rosary, angelus, divine mercy chaplet, way of the cross, visita iglesia, etc.)
* Magnilay sa Pasyon o pinagdaanan ni Hesukristo upang tayo'y mailigtas mula sa kamatayan at kasalanan
* Magsimba
* Magbasa ng Pagsusuri ng Budhi (Examination of Conscience) para makapagsisi sa mga kasalanan upang pati na mga nalimutan ay maalala.
* Magkumpisal matapos suriin ang budhi
* Mag-ayuno at mangilin
* Magkawanggawa (Tumulong sa kapwa sa kahit na anong paraan)
* Mag-attend ng mga recollection or retreats in person (or online kung di mkalabas/gala) para sa dagdag na pagninilay mula sa mga pari
Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagsisisi at paghahanda para sa mga Mahal na Araw. Kung hindi ka pa rin nakapagkumpisal maraming kumpisalang bayan ngayon.
Kung nakakumpisal ka na last month, magkumpisal ka ulit this month. Marami na naipon dyan sa kaluluwa mo na mga kasalanan dahil everyday tayo nagkakasala. Wag mong sabihing OA pag ganun gawin dahil kung maligo ka nga araw-araw pa so bakit tingin mo OA pag magkumpisal monthly?
Sabi nga raw ni Padre Pio weekly confession mas maganda eh like paglilinis ng bahay, tas kada buwan lang na pagkumpisal di magawa? Bakit???