Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in
𝗛𝗜𝗦𝗧𝗢𝗥𝗜𝗖𝗔𝗟 '𝗕𝗜𝗚 𝗢𝗡𝗘𝗦' 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘𝗦

Tulad ng bansang Myanmar, ang Pilipinas ay may mga pagkakataong nakakaranas rin ng malalakas na lindol dahil sa pagiging aktibo ng rehiyon.

Dahil sa ang Pilipinas ay nasa isang aktibong rehiyon kung saan nagkakaroon ng pagsasalpukan ng mga ilang mga tectonic plates, ang kapuluan ay nalilinyahan ng maraming mga aktibong fault at trench. Ayon sa PHIVOLCS, ang bansa ay nakakapagtala ng humigit kumulang 20 lindol kada araw, karamihan nga lang ay hindi ganoon kalalakas. Ganunpaman, maraming malalakas na lindol na ring naitala sa bansa. 

Makikita sa mapa ang malalakas na lindol na may Magnitude 6.0 pataas na naitala sa US Geological Survey (USGS) mula 1950 hanggang 2022. Bukod sa dami, kapansin-pansin rin na halos lahas ng lugar sa bansa, maliban sa Palawan, ay nagkaroon na ng malakas na lindol sa nakalipas lamang na pitong dekada. 

Ilan sa mga hindi malilimutang 'big ones' na lindol sa kasaysayan ay ang 1967 Casiguran Earthquake na nagpabagsak sa Ruby Tower sa Maynila at nagbunsod ng pagkakaroon ng building code sa bansa, ang 1976 Moro Gulf Earthquake and Tsunami na naging pinakamapaminsala at kumitil sa buhay ng lagpas 5,000 katao, ang 1990 Luzon Earthquake na nagpabagsak ng maraming gusali sa Baguio at iba pang lugar sa Luzon, at ang 2013 Bohol Earthquake na sumira sa mga lumang imprastraktura sa Cebu at Bohol. Ang kasalukuyang nililindol na mga lugar sa Mindanao ay nakaranas na rin ng ilang malalakas na lindol sa nakaraan.

Ito ay parte na ng ating realidad. Wala pa tayong kakayanan na magforecast talaga ng mga lindol, kaya ang taning magagawa na lang ay ihanda ang komunidad at sarili. Seryosohin natin ang mga earthquake drill at iba pang abiso ng mga awtoridad, dahil kahit saan o anong oras man, posibleng maranasan mo ang isang 'Big One' na lindol.
earnings
23,000 mlx total
$0  total
engagement
15 views
10 reactions
0 comments