Cebuano Paradox - Why do Cebuano speakers refuse to call their language Cebuano
\[This post is not for ethnic clashes\]
Ang wikang Cebuano ang pangalawa sa most spoken native language sa Pilipinas, at dominante itong wika sa Visayas at Mindanao. Ito yung napansin ko, sa labas ng lalawigan ng Cebu, ang majority ng mga gumagamit ng wikang Cebuano ay hindi sumasang-ayon na CEBUANO ang pormal na pangalan ng kanilang wika. Sa Mindanao, tinatawag nila itong Bisaya o Binisaya, at ito rin ang paniniwala nilang tawag sa wika nila at madalas pa nilang nasasabi na “Bisaya ang wika, hindi Cebuano”. Sa Davao City naman ay may ilan na bukod sa “Bisaya” ay tinatawag rin ito bilang Davaoeño. Sa (western) Leyte at Southern Leyte, tinatawag naman itong Kana, at sa Bohol ito ay tinatawag na Boholano o Binolanon
Ang nakikita kong sagot dito ay yung pagkakaroon ng lalawigan na dala ang pangalang CEBU. Majority sa kanila ay nagsasabi na “hindi sila taga-Cebu, at ang katagang Cebuano ay tumutukoy sa isang probinsya”. Which is valid naman yung argumento nila. Napansin ko rin na sa wikang Hiligaynon (Ilonggo) at Ilocano ay iba naman at hindi natin na-eencounter ang mga ganitong argumento para hindi tawagin ang wika nila sa pormal na pangalan.
May probinsya na ang pangalan ay Iloilo, at may probinsya na ang pangalan ay Ilocos Norte at Ilocos Sur, pero majority o nearly lahat ng nagsasalita ng wikang Ilocano sa labas ng dalawang Ilocano provinces—gaya ng La Union, (northern) Tarlac, Nueva Vizcaya, Cagayan etc—ay sang-ayon sa tawag na Ilocano \[kahit na may probinsyang Ilocos ang pangalan\] at minsan nga “Iloko” pa ang tawag nila dito. Ganito rin lalo sa Hiligaynon o Ilonggo, kahit ang mga Ilonggo ng Soccsksargen, kahit na tinatawag din nilang Bisaya ang wika nila ay sang-ayon rin na Ilonggo ang kanila etniko at ito rin ang katawagan sa kanilang wika.
Ano kaya ang mas malalim pang dahilan para maging harang pa ngayon ang “lalawigan ng Cebu”, para kilalanin ang isang wika bilang Cebuano na syang pormal na pangalan, habang ang mga katawagan naman sa kani-kanilang mga probinsya ay mga pangalan ng dayalekto lamang #current_events #local