Dismayado si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa takbo ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
"Frustrating and very disappointing. Senador pa lang ang nagagalaw," saad niya.
"'Yung mga congressman, wala pa, pangiti-ngiti lang sila. 'Yung iba nga sa kanila nandiyan pa sa \[VP Sara\] impeachment prosecutors eh," dagdag pa ni Magalong.
Giit pa niya, mabagal ang imbestigasyon at kaunti pa lang ang naihahaing kaso kumpara sa dami ng umano'y mga anomalya sa flood control projects. #news #philippines #ph #pinoy