The government's "rules" should not hinder transparency, especially if it involves taxpayer's money
Nag-autoplay sa TV sa office yung session ng Congress after ng impeachment, then this argument between Janette Garin and Toby Tiangco. The latter is asking for a motion to reconsider the opening of the plenary deliberation for House of Representatives' 2027 budget, but Garin denied because she said it is "out of order". Biglang nilipat kasi ang date ng deliberation kaya wala kahit sino ang nakapaghanda ng mga tanong. Ang ending, walang tanungang nangyari.
I am not a fan of Tiangco, pero I agree with his response noong hindi pinayagan na busisiin ulit ang budget ng Congress ay realidad ng pulitika natin sa Pilipinas. Because of technicality, hinarang ang chance na suriing mabuti ang budget ng Kamara. Hindi lang naman si Tiangco ang nag-iisang gustong bumusisi dito, although siya ata yung talagang consistent na tumatawag ng transparency pagdating sa paggastos ng institusyong mismong kinabibilangan niya. Kahit mga watchdog at mismong media, nagulat sa paglipat ng schedule.
What Toby Tiangco replied to Garin makes sense. Hindi lang siya ang dinouble cross ng mismong mga kapwa niya kongresista. Buong bayan, inisahan ng mga taong kumokontrol sa pondo ng bayan. #ph #philippines #pinoy