Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

Pati inidoro tinanggal! Jinggoy Estrada ‘hinubaran’ Senate…

Pati inidoro tinanggal! Jinggoy Estrada ‘hinubaran’ Senate office para kay Tito Sotto

Nabulaga si Senate President Pro Tempore Vicente ‘Tito’ Sotto III habang naghahandang lumipat sa kanyang bagong tanggapan sa ikaanim na palapag ng Senado.

Sa ulat ng Politiko, sinabi ng isang senador na inalis na ang mga nakakabit na gamit at bahagi ng opisina na dating ginagamit ni Senador Jinggoy Estrada bago pa man lumipat si Sotto, kabilang ang furniture, tiles, toilet, light switches, door jambs, wall panels at mga bahagi ng drywall.

“Walang iniwan. Pati tiles, inidoro, light switch, hamba ng pintuan, wall panels at dry walls, tinanggal. Nagmistulang construction site,” anang senador sa Politiko.

Sinabi naman ng impormante mula sa Senado na nagulat si Sotto nang makita ang estado ng opisina, na tradisyonal na nakalaan para sa mga miyembro ng liderato ng Senado.

Dahil dito, napaisip ang impormante kung may natitira pang sama ng loob sa panig ni Estrada kaugnay ng pagbabago sa pamunuan ng Senado.

“Grabe. Bitter na bitter pa rin ba si Jinggoy? Pati opisina, dinamay,” tanong ng impormante.

Si Sotto ay nahalal bilang Senate President Pro Tempore noong Hunyo matapos ang panibagong pagbabago sa liderato ng Senado na nagluklok kay Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate President.
#news #philippines #pinoy #ph
earnings
5,000 mlx total
$0  total
engagement
3 views
0 reactions

1 comments

badge
$0 earned4d ago
Grabe, pati inidoro tinanggal na. Hindi na simpleng lipat ng opisina yan, parang binaklas ang buong kwarto bago pa makapasok si Tito Sotto. Paano kaya magse-settle sa ikaanim na palapag kung wala nang natira?