Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in
Valenzuela lang po ba ito o ganito rin sa ibang public schools sa buong Pilipinas?

Hindi naman po kami nagrereklamo kapag may hinihinging contribution, lalo na kung para talaga sa school. Naiintindihan naman po namin na maraming pangangailangan ang mga paaralan at willing din naman kaming tumulong kapag kaya.

Pero napapansin ko lang po na parang madalas sa students/parents kinukuha ang pondo para sa mga bagay tulad ng bond paper, ballpen at iba pang school supplies na ginagamit ng teachers. Minsan pati pangpintura, pagpapagawa ng appliances o ibang gamit sa school, donation din ang hinihingi.

Pati kapag may school program, may contribution pa para sa design at pagpapaganda ng stage. May mga pagkakataon na medyo malaki na rin ang nagagastos, at hindi lahat ng pamilya kayang magbigay nang paulit-ulit. Mahirap lang din po kasi kami, pero nahihiya rin kaming tumanggi kapag parang kailangan para sa school.

Curious lang po ako, may budget po ba talaga ang public schools para sa mga ganitong expenses? At kung meron, ano-ano po ba ang dapat sakop ng school budget/MOOE? Building construction lang po ba ang may government budget, o kasama rin ang supplies, repairs, maintenance, programs, etc.?

Hindi po ito intended na manira ng school or teachers. Gusto ko lang po maintindihan kung normal ba talaga ito sa public schools, at kung sa Valenzuela lang po ba ganito o common practice din sa ibang lugar?
#local #current_events
earnings
1,000 mlx total
$0  total
engagement
4 views
0 reactions
0 comments