Mag-ina nagsabwatan, 14-anyos na PWD pinagsamantalahan
BABALA, SENSITIBO ANG BALITA
Kalaboso ang 45-anyos na kelot habang tinutugis pa ang kanyang ina dahil umano sa panghahalay sa 14-anyos na dalagitang may learning disability sa Malabon City noong Oktubre 4, 2026.
Batay sa imbestigasyon, nagbakasyon lamang ang biktima sa nasabing lugar mula sa lalawigan ng Laguna. Naglalakad sa kalsada ang Grade 1 student na biktima at pinakiusapan umano siya ng 65-anyos na ina ng suspek na tulungan maihiga ang lasing niyang anak sa kama sa loob ng kanilang tirahan sa Labahita St., Brgy. Longos dakong alas-8:00 ng gabi noong Linggo.
Pagpasok sa silid, agad umalis ang ina ng suspek at iniwan ang dalawa sa loob hanggang pagbantaan ng kelot ang dalagita na sasaksak\*n kapag hindi pumayag sa kanyang kagustuhang makipagtalik.
Matapos ang umano’y panghahalay, nagsumbong ang biktima sa kanyang ama na kaagad nagpasaklolo sa pulisya at doon na nadakip ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili ang suspek habang tinutugis pa ang kanyang ina.
Dinala ang suspek sa ospital para sa medical verification at pagkatapos ay sa himpilan ng kapulisan upang isagawa ang kaukulang dokumentasyon para sa inquest proceedings at pagsasampa ng kaukulang reklamo sa tanggapan ng piskalya. #philippines #ph #news #pinoy