Hello. The story of BGEN ROMERO is truly disappointing. I know for a fact, based on what was shared to us, na ang mga awards niya at rank ay na-facilitate through his connection with former Air Force Reserve Commander Gen Pablo Rustria.
Dahil mahilig mamulitika si Gen. Rustria, naging very close siya kay Gen. Romero. Lieutenant Colonel pa lang si Gen. Romero, pinangakuan na siya na mapo-promote siya bilang General. He pushed himself na makapasok sa CGSC. Ilang araw lang pumasok. Online pa. Ang kwento sa amin ng Commander namin, hindi raw siya pumapasok sa klase dahil sinabi umano ni Gen. Rustria na maaari naman daw itong gawin, since ang kailangan lang ito para sa requirement para maging General.
Ang ginawa naman ni Gen. Rustria ay tinulungan siyang ma-promote bilang General. Ipinatapon ni Gen. Rustria sa Mindanao ang Commander namin upang mailagay si Gen. Romero bilang Commander. Malapit din siya sa 2nd Air Reserve Commander noong panahon na iyon gawa ng siya ay bilyonaryo.
Alam namin na sa listahan, ang dapat sanang umupo ay ang matagal na naming kasamang Reservist, ngunit ginawa lamang siyang Deputy Commander muli ni Gen. Romero. Galing sa 1st Air Reserve Center si Gen. Romero.
Nang mailagay na siya sa posisyon sa pamamagitan ng impluwensiya ni Gen. Rustria, agad namang inilakad ang promotion niya bilang General. Wala pang isang taon ang lumipas. Bilang kapalit nito, ginamit ni Gen. Romero ang kanyang helicopter para makapasyal si Gen. Rustria sa Batanes. Ang kwento nila ay para raw sa mission, but according to what we heard, pasyal lang ang ginawa nila dahil paalis na si Gen. Rustria.
Sinasabi rin na nabiyayaan si Gen. Rustria ng malaking halaga dahil sa tulong na naibigay niya kay Gen. Romero na maging General. Marami sa kanyang awards at badges ay dumaan sa pakiusap at connections. Pinagbigyan siya dahil sa kanyang impluwensiya, political connections, at financial capacity.
Para kay Gen. Romero, parang naging simbolo na lamang ang uniform at mga awards para sa image niya. Marami ring nagsasabi na naging biased si Gen. Rustria sa ilang reservists. Kung hindi ka mayaman o hindi ka maimpluwensiyang tao, mahirap umangat o mabigyan ng posisyon kahit ikaw ang mas karapat-dapat.
Ito ang ginawa ni Gen. Romero, at patuloy pa rin niyang ginagawa. Marami pang mga pangyayari na hindi pa nabubunyag, kabilang na ang mga usapin na may kinalaman sa kanyang anak. #pinoy #ph #philippines