Vice Pres. Sara Duterte: Pangalanan kung sino ang nagde-defend sa China
Dapat umanong pangalanan ni Department of National Defense (DND) Sec. Gibo Teodoro kung sino ang mga opisyal ng pamahalaan na nagtatanggol sa China kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea, ayon kay Vice Pres. Sara Duterte.
Kasunod ito ng pahayag ni Teodoro na dapat ikonsidera ng mga opisyal ng gobyerno na magbitiw na lamang sa puwesto kung papanig sila sa China sa usapin ng West Philippine Sea.
"Hindi pwedeng magbitaw ka ng ganoon na salita, \[tapos\] hindi mo naman pangalanan ‘yung mga opisyal," sabi ng Bise.
"Kahit ang Presidente natin kasali sa suspect doon kasi walang pangalan — walang listahan ng pangalan," dagdag niya. | via Bryll Montalvo #ph #philippines #pinoy #news