Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

Educational info from NPC on taking photos/videos of…

Educational info from NPC on taking photos/videos of persons in public spaces and posting it on social media

Hindi ibig sabihin na nasa pampublikong lugar ka, nawawalan ka na ng RIGHT TO PRIVACY. Hindi ito nangangahulugang maari ka nang i-record at i-post sa social media nang walang batayan. Ayon sa NPC Advisory Opinion No. 2021-014 at 2018-051, hindi nawawala ang data subject rights mo kahit nasa public ka, at ang pagproseso ng personal data mo, tulad ng pag-record at pag-post, ay sakop pa rin ng mga probisyon ng Data Privacy Act of 2012 (RA 10173).

Magkaiba ang pag-RECORD sa pag-POST.

Sa pag-record sa public space, pwedeng kumuha ng litrato o video kung may sapat na batayan , gaya ng sa seguridad, dokumentasyon, balita, o pansariling gamit, halimbawa, kapag kinukunan ang isang kapamilya o kaibigan. Ang mahalaga, may lehitimong layunin, at hindi lumalampas dito ang kinukuha.

PERO ibang usapan na ang pag-post. Ang iyong mukha at pagkakakilanlan ay itinuturing na personal data sa ilalim ng DPA. Nangangailangan ito ng batayan sa ilalim ng batas. Maaring pahintulot (consent), o maari rin naming ibang batayan katulad ng legitimate interest, lalo na kung may kaugnayan sa publikong interes ang ipinost. May mga sitwasyon din na hindi sakop ng DPA, tulad ng purong personal na paggamit at ng lehitimong pamamahayag.

Tandaan:

1. Bagama’t inaasahan na mapagmasdan ka ng mga tao sa isang pampublikong lugar, may mga ibang implikasyon sa data privacy at sa inyong mga Karapatan kung makukuhanan ka ng video habang nasa public space at i-post ito online. Kapag online na ang mga litrato at video, maaring ito ay accessible na sa lahat ng tao na may access sa internet sa buong mundo.
2. Ang pagrecord at pag-post ay magkaibang processing activities. Ang ibig sabihin nito, ang pagkakaroon ng sapat na basis sa pag-record ay HINDI AUTOMATIC na nagbibigay ng basis para sa pag-post. Kailangan maglaan ng hiwalay at sapat na batayan para sa bawat isa.

DISCLAIMER: Ang impormasyong ito ay para sa pangkalahatang kaalaman at layuning pang-edukasyon lamang at hindi bumubuo ng pormal na legal advice. Para sa mga tiyak na usaping legal o kung nais mong magsampa ng pormal na reklamo kaugnay sa paglabag sa privacy, direktang makipag-ugnayan sa NPC sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected] mailto:[email protected].

Source: NPC Facebook Page
#pinoy #philippines #ph
earnings
1,000 mlx total
$0  total
engagement
1 views
0 reactions

0 comments