So this friend of mine just got out of bilibid muntinlupa 2 years ago. He was convicted for selling drugs during dutertes drug war but then got acquitted.
So nagkaroon kami ng chance makapagcatch up. Nag inuman kami ng mga tropa so nung time na nalalasing na lahat medjo umalis na ung iba at ung iba naman ay natulog na. Tatlo nalang kaming magkakaibigan na naiwang nagiinuman. So nagkwento ako sakanila ng mga problema na pinagdaanan ko tska mga hinanakit ko sa isang tao na sobrang kagalit ko for some reason.
Then itong tropa na kalalabas ng bilibid nagkwento din tungkol sa buhay nya sa loob. Nagulat ako kasi isa na pala syang gun for hire. Ung 2 years pala na nakalaya sya nagtratrabaho sya bilang gun for hire. Dun ko lang narealize na kaya pala ang dami nya agad napundar sa loob ng 2 years simula nung lumaya sya. Nagkaroon sya ng chinese boss sa loob at politicians na din. At 50k-200k ang binabayad sakanya para lang mang tumba ng mga tao.
Ito pa isa kong kinagulat. Dahil ang style daw ngayon ng gun for hire is kinikuha na nila ung tao at itatapon sa beach or kung saan man na tubig basta malalim tapos may nakakabit na pabigat sa katawan like gym equipments para daw di lumutang.
Hanggang ngayon gulat na gulat parin ako sa mga kwento nya it all makes sense kasi may baril syang dala nung time na nagiiuman kami. Di ko alam kung matatakot ba ako sakanya or safe pa ba na kaibigan ko sya. #philippines #pinoy #ph