I dont know if SSS is truly helping us when we are in need
I made an appointment 3 weeks ago, went early to fix my issues regarding my un-resolve loan that i did not know was not filed by my previous company when I send them the papers to deduct. -
Pag punta ko mga 12 ng tanghali para maaga, pero regardless of appointment mag hihintay pa pala ako sa pila. 4:45 na bago ko nakausap yung clerk. Ang sabi lang sa akin bayaran ko yung tubo, tapos ipa-deduct ko sa bago kong employer yung loan.
Kinausap ko. Sabi ko 12 years na akong nag tra-trabaho and per record more than 400k na ang contribution ko. Allowed na ako mag loan ng 80k pataas. Nakiusap ako, kung pwede ba i-bypass since ambag ko naman yan. Di namn pera ng iba, akin!. Yung tinutubuan na nga ako sa pag kuha ng sarili ko naman na pera. Papahirapan pa ba ako sa pag resolve nung issue ko.
Pero ang sabi lang sa akin. "Sir Wala talaga tayo magagawa, yan ang sistema' iprocess ko daw yung condonation, tapos wait for 3 months after mabayaran lahat.bago mag loan.
Di ko talaga ma-gets. Pera ko yun diba? Kinakaltas sa akin buwan-buwan. Sa loob ng 12 years kong nag tratrabaho. Tapos di ko makuha kung kelan kaylangan ko.
Samantalang yung mga nag-nanakaw na mga opisyal, kasing dali ng pag-hinga ang pagkuha nila ng pera natin para makapag-pasarap lang 😮💨