Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

Higit 20 bilyong halaga ng bigas, nagsasayang kada taon…

Higit 20 bilyong halaga ng bigas, nagsasayang kada taon

'MAKE EVERY RICE GRAIN COUNT'

Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang mga consumer na bawasan ang pag-aksaya ng bigas, suportahan ang local farmers, at pumili ng mas masustansiyang uri ng bigas.

Bahagi ito ng kampanya ng ahensya laban sa rice wastage.

Ayon sa Philippine Rice Research Institute, aabot sa P24.4 bilyong halaga ng bigas o katumbas ng nasa 10.85 milyong sako nito ang nasasayang kada taon.

Nasa 5.17 milyong Pilipino sana ang kayang pakainin ng nasasayang na bigas sa loob ng isang taon.

“'Riceponsibility' starts with something as simple as taking only what we can finish. If every Filipino does a little, the country gains a lot, from less waste and healthier diets to stronger farmers and a more secure food supply,” saad ni Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel, Jr.
#ph #philippines #pinoy
earnings
3,000 mlx total
$0  total
engagement
3 views
0 reactions

0 comments