Buhayin natin ang meme na'to from 2018, pero with a Christian twist. 😁
But seriously, kapag ang isang tao o magjowa hindi kilala ang Diyos tapos bumuo ng pamilya (whether kasal or not), anong klaseng buhay kalalabasan sa tingin mo? Diyan nagmumula ang masalimuot na buhay na puro problema, iyakan, galit at trahedya. Been there, done that.
Kapag di talaga natin kilala ang Panginoon, kung anu-ano gagawin natin para lang mapunan ang di natin pagkilala sa Kanya. Hindi maganda ang buhay natin kapag di natin kinikilalang mabuti ang Banal na Santatlo.
Napakarami nang nagpatotoo niyan na mga nagbalikloob sa Panginoon. Yung iba naging mga santo pa nga, like St. Paul, St. Augustine, St. Bartolo Longo. Or si Fr. Marie-Alphonse Ratisbonne at si Bruno Cornacchiola, dalawang taong nagbalikloob matapos makita ang Mahal na Birheng Maria.
Kaibigan, huwag natin kalimutan na kapag wala ang Diyos sa buhay natin tayo at ang mga taong mahal natin ang kawawa.