Sa kauna-unahang interjection ni Senator-Judge Lito Lapid, kinompronta niya si Gina Acosta kaugnay ng nagamit na katulad niyang apelyido ilang acknowledgment receipt ng Office of the Vice President.
Matatandaang iprinisenta ni Atty. Lorna Kapunan ang ilang ARs na may pangalang "Beth Revilla," "Clarisse Hontiveros," "Jose Diokno Jr." "Diane Maple Lapid," at "John A. Lapid."
Tugon ni Acosta, kay Col. Raymund Lachica galing ang mga resibo at nag-rely lang aniya siya sa kung anong binigay ng security officer.
"Bakit nyo pinagkatiwalaan si Lachica? May nakita ba kayong background niya? Mayroon ba siyang intelligence funds sa office niya?" pag-uusisa ni Lapid.