Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

Gatas ng 4-anyos apo nilagyan ng rat poison ni lola…

Gatas ng 4-anyos apo nilagyan ng rat poison ni lola

BABALA, SENSITIBO ANG LAMAN NG BALITA

Nasawi ang isang 4-anyos na batang babae matapos umanong painumin ng kanyang 52-anyos na lola ng gatas na may halong rat poison sa Purok 10, Barangay Poblacion Sur, Don Carlos, Bukidnon, noong Huwebes ng gabi, Agosto 13, 2026.

Ayon sa Don Carlos Municipal Police Station, nagsimula ang insidente sa isang pagtatalo umano ng mga lolo at lola ng bata.

Rumesponde naman ang mga pulis sa bahay ng pamilya dahil sa umano’y alitan. Matapos nito, umalis umano ang lolo ng bata sa kanilang bahay.

Ayon sa mga awtoridad, matapos umalis ang kanyang asawa, naghanda ang lola ng gatas sa isang bote at hinaluan ito ng zinc phosphide, isang nakalalasong kemikal na karaniwang ginagamit bilang pamatay ng daga.

Ipinainom diumano ng lola ang gatas sa bata bago niya rin ininom ang nasabing nakalalasong kemikal.

Agad dinala sa Bukidnon Provincial Hospital sa Maramag ang maglola upang mabigyan ng lunas. Sa kabila ng mga pagsisikap ng mga doktor na mailigtas ang maglola, nasawi ang 4-anyos na batang kinilalang si ‘Maya’ bago mag-ala-1:00 ng madaling-araw noong Agosto 14.

Samantala, nasawi rin ang lola matapos nang makainom umano ng nasabing lason dakong alas-4:00 ng hapon noong Agosto 14.

Dinala na sa isang punerarya sa Don Carlos ang mga labi ng bata at lola.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari at mga dahilan na humantong sa pagkamatay ng maglola.

Ayon sa pulisya, posibleng may kaugnayan sa alitan ng pamilya ang insidente, ngunit kailangan pa ring matukoy ang lahat ng detalye bago makapagsampa ng kaukulang kaso.

Sa dagdag na ulat ng mga awtoridad at mga kamag-anak ng sangkot sa insidente, si Maya ay anak ni Kimberly Achas, na pinatay umano ng kanyang live-in partner noong Marso 2023 kung saan nakuha umano sa CCTV ang naturang insidente. Matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, inalagaan ang bata ng kanyang mga lolo at lola.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang kompletong detalye ng insidente at ang mga kaukulang hakbang na dapat gawin batay sa resulta ng imbestigasyon.
#pinoy #news #ph #philippines
earnings
4,000 mlx total
$0  total
engagement
6 views
0 reactions

0 comments