May-ari ng crematorium sa Bulacan, sumuko sa NBI; hindi umano kinaya ang dami ng pinapa-cremate ng ‘Ahjay Paws Aftercare’ | 24 Oras
Sumuko sa National Bureau of Investigation ang mga may-ari ng crematorium sa San Jose del Monte, Bulacan na kinokontrata umano ng inirereklamong crematorium sa Bacoor, Cavite. Idinetalye nila kung paanong tinatambakan umano sila ng wala nang buhay na hayop na sa sobrang dami ay ipinalibing na lang umano nila sa mga tambay sa kanilang lugar. #24Oras #ph #philippines #news #pinoy