TINGNAN: Nakataas na ang "Red Alert" status ng Department of Social Welfare and Development - Disaster Response Management (DSWD-DRCC) bunsod ng pananalasa ng Habagat alinsunod sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Memorandum No. 237, series of 2026.
As of 6:00 AM ngayong Sabado, Agosto 29, ibinahagi ng DSWD-DRCC na mayroong ₱605 milyon standby funds ang ahensya at higit ₱4.23 bilyong halaga ng relief resources.
Kabilang dito ang 3,524,177 Family Food Packs (FFPs), 287,848 Non-Food Items (NFIs), at 305,415 Ready-to-Eat Foods (RTEFs) na nakahandang ipamigay sa mga komunidad na apektado ng Habagat.
Tiniyak din ng DSWD na patuloy silang nakikipagtulungan sa mga ahensya, local government units (LGUs), at Field Offices oara matiyak ang agarang pagtugon sa nasalantang lugar.
Sa kasalukuyan, nakababa na rin ang alert sa lahat ng DSWD Field Offices para sa agad na pagpapadala ng Quick Response Teams (QRTs).
Gayundin ang activation ng Camp Coordination at Camp Management (CCCM) operations, pamamahagi ng Food and Non-Food Items (FNFIs), implementasyon ng protection measures para sa Internally Displaced Persons (IDPs), at deployment ng disaster response vehicles at equipment para sa paspasang delivery ng mga tulong.