Totoo po yan, yan din ang sabi ng kapatid ko na ilang taong ng nakadestino bilang sundalo sa Mindanao. Sobrang naappreciate niya ang panunungkulan sa Davao. Maayos ang pamamalakad kumpara naman sa ibang mga lugar na kung tutuusin dekada na ang binilang ng mga nakaupong politiko.
Saka dito lang din sa lugar namin na maraming adik, totoong takot sila, walang nalabas eh. Wala akong nabalitaan masyado na krimen patungkol sa diyan kumpara noong hindi pa siya ang pangulo.
Ang naging mali lang kase sa administration niya yung mga pulis na naging abusado sa tungkulin, porket binigyan sila ng kapangyarihan ng pangulo naging abuso. Yung iba para may masabing accomplishment kuno kaya may nadamay na inosente. Anyway, ang tanim bala o tanim baril naman ay nangyayari kahit noong hindi niya kapanahuan. At sa pagkakaalam ko naparusahan din naman yung mga pulis na nakapatay kay Kean Delos Santos ata yun eh.
Maski pulis nga nung na time niya simula ng isyu kay Kean parang nakaramdam din sila ng takot na dapat tamang panunungkulan ang gawin nila sa gobyerno.