Lolo na wanted sa panggagahasa sa menor de edad, bistado
Matagumpay na naaresto ng Palawan Police Provincial Office ang Region’s Top 7 Most Wanted Person sa isang manhunt operation sa Brgy. Iraan, Rizal, Palawan noong Martes ng madaling-araw, Agosto 4. Kinilala ang suspek na si alyas ‘Cinte’, 68-anyos, isang magsasaka na residente sa nasabing lugar. Dinakma ang lolo sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory R\*pe kung saan walang inirekomendang piyansa para sa kanyang kalayaan. Nakakulong ang suspek sa Rizal Municipal Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang proseso ng batas. #philippines #pinoy #news #ph