PANOORIN: Muling nagdulot ng light moment sa Senate impeachment trial si private prosecutor Atty. Lorna Kapunan, matapos nilang magkaroon ng argumento ni defense counsel Atty. Kristine Ferrer, tungkol sa gagamiting mga dokumento bilang ebidensya.
Kinuwestyon kasi ng depensa ang authenticity ng mag dokumentong ginagamit ng prosecution.
Willing naman daw ang prosecution na gamitin ang dokumento ng defense at huwag na silang mag-compare pa, dahil "manonood pa siya ng Odyssey."
Tumutukoy ito sa epic action-drama movie na "The Odyssey" ni Christopher Nolan, na hango naman sa epic poem ng poet na si Homer.