Rep. Pulong, mabilis pa raw sa alas-kuwatro mag-react kahit di papadalhan ng subpoena—NBI
Direktang binanatan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag si Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte na mas mabilis pa raw ito sa alas-kuwatro na maglabas ng pahayag kahit hindi raw naman nila ito papadalhan ng subpoena kaugnay sa mga nadiskubre umano nilang “red flag” na flood control projects sa distrito ng mambabatas.