UWAN AS SEEN FROM SPACE 🌏 Nakuhanan ng Himawari-8/9 satellite ng Japan Meteorological Agency ang bagyong #UwanPH na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga. Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas bilang super typhoon ang bagyo, Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.