MDRRMO ng South Cotabato, kinumpirma shooting incident sa Banga National High School
KAPAPASOK NA BALITA: Kinumpirma ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng South Cotabato ang pamamaril na nangyari sa Banga National High School bandang 1 p.m. ngayong Biyernes, Setyembre 18.
Ngunit hindi pa natutukoy ng mga awtoridad ang bilang ng nasaktan sa naturang insidente.
Sinuspinde naman agad ng lokal na pamahalaan ang klase sa lahat ng lebel sa paaralan. | via MB