Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

Gusto nyo mawala na mga kurakot sa gobyerno di ba? Hindi…

Gusto nyo mawala na mga kurakot sa gobyerno di ba? Hindi lang sa gobyerno pati na sa mga eskuwelahan at minsan pati na sa mga simbahan daming mga kurakot. Pa'no pa pag sarili mong kapatid o magulang o kaya anak mo yung kurakot mismo di ba? Nugagawen? 👉Kailangan po natin magdasal araw-araw para sa ating kapwa. Di lang para sa mga miyembro ng pamilya, dapat pinagdarasal po mga kinaiinisan o kaaway natin. 🙏

Tara dasal! Araw-araw po ng Nobyembre ay ating ipagdasal ang intensyon ng ating Santo Papa. Magdasal ng 1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati para sa kanyang intensyon. Wala pang isang minuto yang 3 dasal na yan, napakadaling dasalin kada araw di ba? Pagkagising pa lang gawin na po. Easy.

Sunday pa ngayon. Magsimba at isama sa inyong pagsisimba ang intensyon ng Santo Papa. Ang misa ang pinakamataas na uri ng pagdarasal kaya doon pa lang sabihin nyo na kay Lord na sana mangyari ang intensyon sa panalangin na ito ng ating Pope Leo XIV.

Pwede rin rosaryo kung may oras naman kayo, 15-20 minuto lang yan lalo na kung di nyo naman pinagninilayan o iniisip yung mga misteryo habang naghe-Hail Mary. Sobrang dali na nyan kayang-kaya gawin after lunch o kahit anong oras tsaka kahit saan.

Again, magdasal po kung talagang gusto nyo mawala ang mga kurakot sa Pilipinas at mga kawatan sa gobyerno at kung saan-saan. Magdasal at hilingin sa Panginoon na magbago na tayong mga Pinoy. Nasa Bible yan, hinihiling po kasi sa Kanya ang pagkakaroon ng mabubuting pinuno at eventually a prosperous nation. Kung tamad tayo magdasal at iniisip natin walang mangyayari kapag nagdasal e di wala tlgang pagbabago kahit ano na mangyayari. God is powerful and merciful too. Magdasal kada araw at nang makita natin ang pagbabago ng Pilipinas na hinahanap natin.
earnings
3,000 mlx total
$0  total
engagement
9 views
0 reactions

0 comments