Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

Dating lugar umano ni FPRRD sa Davao, binaha dulot ng…

Dating lugar umano ni FPRRD sa Davao, binaha dulot ng matinding pag-ulan!

PANOORIN: Mapapanood sa Facebook live ng uploader na si Mj Bacalso ang naging pagbaha sa Taal 1, Bangkal, Davao City, gabi noong Biyernes, Hulyo 24, 2026, dulot ng matinding pag-ulan.

Ayon sa uploader, abot-tanaw lang umano, at mapapanood din sa video, ang bahagi ng lugar kung saan dating nakatira umano sina dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Taal St., Central Park Subdivision, sa Bangkal.

Sa panayam ng Balita kay Mj, nilinaw niyang dati na raw binabaha ang naturang lugar noon pang 1994 at hindi na raw ito bago sa kanila.

"Dati na itong binabaha na lugar since 1994 pa kami dito. Hindi na bago sa amin ang baha na ganito sa lugar namin sa \Taal 1\]. \[Kapag\] sunod-sunod na ulan na malakas at walang tigil sa bukid sa Calinan, Tugbok, Mintal, asahan na babaha talaga dito sa amin sa Taal 1," aniya.

Sundan: [ balita.mb.com.ph http://balita.mb.com.ph

\#Balita
#pinoy #philippines #news #ph
earnings
1,000 mlx total
$0  total
engagement
2 views
0 reactions

0 comments