Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

Delivery rider hinoldap ang burger stand, nag-takeout pa…

Delivery rider hinoldap ang burger stand, nag-takeout pa

NABAON SA UTANG DAHIL SA SUGAL

Arestado ang isang delivery rider na nangholdap ng isang burger stand sa E. Rodriguez Sr. Boulevard, Brgy. Kristong Hari, Quezon City noong Biyernes ng madaling-araw, Agosto 7, 2026.

Nakilala ang suspek na si alyas ‘Anton’, 42-anyos, residente ng Brgy. Escopa sa nasabing lungsod.

Ayon sa tindera sa burger stand, nag-takeout pa ang suspek bago ideklara ang panghoholdap.

Natangay ng suspek ang cash na nagkakahalaga ng ₱5,400 saka humarurot patungo sa Aurora Boulevard.

Kuwento ng tindera, nagbanta ang suspek na babar\*lin siya at nagmakaawa na lamang siya rito na huwag ituloy dahil may mga anak siya.

Sa pag-iimbestiga ng Police Station 11, napag-alaman na nagpa-cash in sa isang tindahan ang suspek dakong alas-2:42 ng madaling-araw.

Dito na nila natunton ang kanyang kinaroroonan na nasa Bulacan.

Dahil sa mga nakalap na impormasyon, nagtungo ang mga operatiba sa Bulacan noong Martes, Agosto 11, at dakong alas-11:45 ng gabi sa birthday party ng kamag-anak.

Napag-alaman din ng mga awtoridad na may record din ng robbery ang suspek noong October 2015.

Depensa ng suspek, nagipit lang umano siya dahil sa sugal at nagawa niya ang krimen upang may maipangbayad sa utang.

Nakakulong na ang suspek dahil sa paglabag sa Article 293 of the Revised Penal Code (Robbery), Section 9 of Republic Act No. 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act, at Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
#pinoy #philippines #ph #news
earnings
1,000 mlx total
$0  total
engagement
1 views
0 reactions

0 comments