Viral 69-anyos na lolang nag-college entrance exam, AB Journalism student na!
Noong 2019, nag-enroll siya bilang learner sa Alternative Learning System (ALS). Sa halip na doon na lamang magtapos, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral hanggang sa makompleto ang Senior High School (SHS), hanggang sa itinuloy na sa kolehiyo.