Chief tanod ginamit ang ‘batuta’ sa misis ng kabaro, patay sa saksak
Pinagsasaks\*k hanggang mapatay ng isang barangay tanod ang kanyang hepe matapos nitong maaktuhan na nakikipagtalik sa kanyang 35-anyos na misis sa bahay ng biktima sa Purok 5, Barangay Labrador, Ormoc City, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat ng pulisya, alas-9:00 ng umaga noong Biyernes (August 21), susunduin sana ng tanod ang kanyang asawa dahil may pupuntahan umano silang okasyon.
Ngunit nang mapadaan ang suspek sa bahay ng biktima, narinig niya ang boses ng kanyang asawa na humahalinghing.
Pero sa halip na pumasok sa bahay, sinilip muna ng suspek ang butas sa dingding at doon ay nakita niya ang kanyang misis at ang kaibigang 55-anyos na hepe na kapwa hubo’t hubad at nagtatalik.
Dahil sa matinding galit, kumuha ng kutsilyo ang suspek at inararo ng saks\*k ang nagulantang na misis at ang kanyang hepe.
Napuruhan naman ng saks\*k sa dibdib ang babae ngunit agad nakatakbo. Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa ospital.
Sa pulisya, sinabi ng suspek na sobrang sakit nang pangyayari dahil hindi umano niya inaasahan na magagawa ng kanyang misis na siya ay pagtaksilan at sa malapit pa niyang kaibigan.
Nasa kustodiya na ng Ormoc City Police Station 2 ang suspek na nahaharap sa kasong murder at frustrated murder. #ph #philippines #news #pinoy