Maganda umano na inamin ni Vice Pres. Sara Duterte na wala siyang naitutulong sa problema ng bayan, ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro.
Komento ito ni Castro kasunod ng pahayag ng bise na “totoong pressure” umano ang kahihiyan na maliit ang kaniyang naitutulong sa pagdurusa ng publiko.
“Salamat na rin at inamin niya na wala siyang ginagawa para maibsan ang problema sa baha na nararanasan sa Luzon, Visayas at Mindanao, lalo na sa Davao City,” sabi ni Castro.
“Wala siyang nagagawa na makatulong sa presyo ng bilihin dahil noong unang putok sa Iran, nasa bakasyon siya sa Bangkok,” dagdag niya. #pinoy #philippines #ph