Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

10 beses ginahasa: Amain nabuntis 15-anyos anak ng kanyang…

10 beses ginahasa: Amain nabuntis 15-anyos anak ng kanyang live-in partner

BABALA, SENSITIBO ANG PAKSA

Himas-rehas ang isang 31-anyos na lalaki matapos umano niyang sampung beses na gahasain at mabuntis ang 15-anyos na anak ng kanyang live-in partner sa Maynila noong taong 2024.

Naaresto ng Barbosa Police Station ang suspek sa Barangay Malanday, Marikina City noong Linggo, Agosto 30 sa bisa warrant of arrest para sa 10 counts ng kasong qualified r\*pe matapos ang isinampang kaso ng kanyang stepdaughter noong Hunyo 2024.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pinagbabawalan umano ng ina na mag-boyfriend ang anak at itiniwala sa kanyang live-in partner na bantayan ito.

Ngunit tila sinamantala ng amain ang pagkakataon at papayagan umano ang stepdaughter na makipagkita sa dyowa nito basta’t may kapalit, at ito nga ay ang pananamantala ng suspek.

Samantala, itinanggi naman ng suspek ang bintang sa kanya at sinabing handa siyang magpa-DNA test para mapatunayan na hindi siya ang ama ng bata
#news #ph #philippines #pinoy
earnings
2,000 mlx total
$0  total
engagement
2 views
0 reactions

0 comments