Mga Chinese cabbage at carrots, itinapon sa gilid ng Labey-Lacamen Road sa Tublay, Benguet matapos umanong bumagsak ang presyo ng gulay at lumiit ang bilang ng mga bumibili
Ayon sa ilang magsasaka, mas pinili nilang itapon ang kanilang ani kaysa dalhin sa mga trading center sa La Trinidad dahil hindi na nila kakayanin ang dagdag na gastos sa transportasyon.
Bukod sa mababang presyo at kakulangan ng buyers, patuloy ding hinaharap ng mga magsasaka ang epekto ng malalakas na pag-ulan sa kanilang kabuhayan.