Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

80% ng OFW ay DDS? Napansin ko lang ito base sa personal…

80% ng OFW ay DDS?

Napansin ko lang ito base sa personal kong experience.

Noong nasa Pilipinas pa ako, akala ko karamihan ng mga DDS na nagko-comment sa Facebook ay troll accounts, bayad, o hacked lang ang mga account nila.

Pero simula nang lumipat ako sa UAE, halos wala pa akong nakikilalang kapwa Pilipino rito na hindi DDS. May mga tropa rin naman akong DDS, pero hindi na namin sinasama yan sa usapan kung tatambay kami.

Ngayong umaga pagdating ko sa office, ang usapan na naman ay tungkol kay Bato at sa pagkakaaresto niya. Halos puro pagtatanggol sa kanya at pagmamasama sa kasalukuyang administrasyon.

Last March, nag-site visit ako sa isang bansa sa Asia. Pati ang mga nakasama kong kababayan doon, karamihan ay DDS rin.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganoon kalakas ang suporta nila sa isang personalidad. Hindi ako DDS, BBM, Leni, o Aquino die hard supporter. Pero sa ilan sa kanila, parang hindi na nila gustong pakinggan ang kabilang panig at nakafocus na lang sa pagtatanggol sa iniidolo nilang politiko.

Ang nakakapagtaka pa, sa trabaho ay mababait naman sila. Madaling pakisamahan, maayos kausap, at alam naman ang tama at mali.

Bakit kay pagdating sa politika nagiging sobrang attached sa isang tao, imbes na sa prinsipyo o sa mga polisiya? Or bakit kaya sobrang lakas talaga ng hatak ni Duterte?

PS. Binoto ko si BBM at Sarah nung election. Undecided ako nun dahil second choice ko si Ping. Sobrang na off ako sa mga nag kampanya kay Leni sa city namin. Alam kong mali na sa mga nag kampanya sa kanya ako nag base. Pero para sa akin at sa naranasan ko, masyado kasing arogante ang mga tao na nag kampanya sakanya nung election.
#current_events #local
earnings
4,000 mlx total
$0  total
engagement
5 views
0 reactions

0 comments