Netizens, aliw na aliw sa bagong online fashion series ni Dennis Trillo!
Tanong ni Dennis, "Ano ang bag mo?"
Siya raw ay simpleng THOUGHT bag lang. 🤣
Wala naman siguro pinapatamaan si Dennis?
Basta hindi raw siya pumapatol sa mga Starfish. 🤣
Pansin ng netizens na sunud-sunod ang mga shady posts ni Dennis Trillo matapos ang pagsapublikong muli ni Patrick Garcia sa panayam nito kay Ogie Diaz sa Youtube ng mga hinaing niya tungkol sa dating nobya na si Jenylyn Mercado.
Hindi natuwa ang netizens sa mga pinagsasabi ni Patrick at imbes na kaawaan at suportahan ay niratrat ng mga negatibong komento ang nasabing Ogie Diaz interview.
Tingin niyo, dapat bang sagutin ni Patrick si Dennis? O kapalaran niyang ma-bag raid ni Dennis para malaman na nga natin kung ANO ANG BAG niya? 😂
Nagkaisa naman ang maraming netizens na sila na ang bahala sa pagtatanggol kay Jenylyn Mercado. Kabikabilaan na nga ang paglalatag ng mga resibo tungkol sa pang-iiwan ni Patrick sa kaniyang mag-ina at mga pangmamata ng kanyang kapatid na si Chesca at pati ng ina nila. #ph #pinoy #philippines