Pulis arestado sa umano’y panggagahasa sa 14-anyos dalagita sa sementeryo
BABALA, SENSITIBO ANG BALITA
Arestado ang isang pulis sa Villanueva, Misamis Oriental dahil sa panggagahasa diumano sa 14-anyos na dalagita noong nakaraang Martes ng madaling-araw, Setyembre 8.
Kinilala ang suspek na isang Police Staff Sergeant, na isa rin umanong vlogger. Batay sa ulat ng Villanueva Chief of Police na si PMaj. Princess Bergado, naganap ang krimen habang nag-iikot ang suspek gamit ang patrol car noong madaling-araw.
Ayon sa report ng pulisya, dinala umano ng suspek ang biktima sa madilim na bahagi ng sementeryo at doon isinagawa ang diumano’y panggagahasa.
Matapos ang insidente ay humingi ng tulong ang biktima sa Villanueva police at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) dahilan para agad itong maaresto.
Sinampahan ang suspek ng reklamong Anti-R\*pe Law in relation to the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination.
Nasa kustodiya ng MSWDO ang 14-anyos na biktima na sumailalim naman sa debriefing process.
Naglabas naman ng public apology si Misamis Oriental Provincial Police Office Director PCol. Ali Abanales at aniya, ito’y lumalabas na isolated case. #philippines #ph #pinoy #news