Blind Item: Aktres, nag-aalala sa kaligtasan at kalusugan ng kaibigang aktor
May isang aktres umanong nag-aalala sa kaligtasan at kalusugan ng kanyang kaibigang aktor na may pinagdaraanan. Dahil wala na silang komunikasyon, ipinagdarasal na lamang daw niya na maging maayos ang sitwasyon at malampasan ng aktor ang mabigat na problemang kinakaharap nito.