Nabalot ng frost o “andap” ang mga pananim sa Englandan, Paoay, Atok, #Benguet ngayong Biyernes ng umaga, Enero 23, 2026.
Inaasahang magpapatuloy pa ang malamig na panahon at pagbagsak ng temperatura sa mga bulubundukin ng Northern Luzon dahil sa malakas na surge ng #Amihan sa bansa sa mga susunod na araw.
Ihanda na mga panangga sa lamig at inumin at pagkain maiinit! Magpapatuloy at posibleng lumakas pa ang #amihan (northeast monsoon) surge ngayong weekend, January 23-25, 2026.
⚠️ Ayon sa PAGASA, 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗺𝗮𝗴𝘀𝗮𝗸 𝘀𝗮 𝟭𝟬°𝗖 o mas mababa pa ang temperatura sa Cordillera Administrative Region.
Ramdam na ramdam rin sa nalalabing bahagi ng Northern Luzon na maglalaro sa 16-20°C ang inaasahang pinakamababa ngayong weekend.
Malamig rin ang simoy ng hangin sa Metro Manila at iba’t iba pang lugar sa Central Luzon at CALABARZON na inaasahang makakapagtala muli ng temperaturang mas mababa sa 20°C!
Bagamat ang #amihan (northeast monsoon) ay umaabot na lamang sa Batanes at ang #easterlies ang namamayagpag sa bansa ngayong araw, ayon sa PAGASA, nananatiling malamig ang simoy ng hangin sa iba't ibang lugar ng Luzon.
Pinakamababa ang naitala sa Baguio na 16.4°C na sinundan ng Casiguran, Aurora, na 17.0°C!