Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in
Pusang mahimbing na natutulog sa harap ng jeepney, pinanggigilan ng netizens

NA PAW-GOD YARN? 🐾🐱

PANOORIN: Pinanggigilan ng mga netizen ang pusang tila pagod na pagod habang natutulog sa jeep.

Sa viral video ni Elrich sa TikTok, makikita ang isang puting pusa na mahimbing na natutulog sa harapan ng jeepney habang inaalalayan ng nag-aalaga rito.

Ayon kay Elrich, sa sobrang himbing daw ng tulog ng pusa ay aakalain mong napagod ito sa kakatawag ng mga pasahero.

Kuwento pa niya, hindi raw ito ang unang beses na nasakyan niya ang jeep na ito.

Dagdag niya, nawawala raw agad ang kaniyang pagod at stress sa tuwing nasasakyan niya ang jeep at nakikita ang pusang nasa video.

Video courtesy: Elrich (TikTok)


\#Balita #Cats #Jeepney
#news #philippines #pinoy #ph
show more