QUICK UPDATE: BAGYONG AGHON, TUTUMBUKIN NA ANG LAGUNA PROVINCE
Ayon sa radar data ng PAGASA, huling nakita ang sentro ng bagyo sa boundary ng Laguna at Quezon. Ayon din sa update ng PAGASA kaninang 5 AM, taglay pa rin ng Bagyong #AghonPH ang lakas na hanging aabot sa 65 km/h malapit sa gitna, at pagbugso bugsong hangin na aabot sa 90 km/h. Kumikilos pa rin ito sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.
Inaasahang tatahakin ng bagyo ang timog-silangang bahagi ng Laguna ngayong araw. Posible nang itaas ang Storm Signal no. 2 sa ilang bahagi ng Laguna sa mga susunod na oras, na may lakas na 62-88 km/h at may posibilidad na magkaroon ng maliit hanggang katamtamang pinsala.
Patuloy na pinaghahanda ang lahat para sa mabagyong panahon ngayong umaga hanggang gabi.
Puwede po kayong magsend samin ng video at larawan sa inyong lugar, i-message lang po kami sa Messenger ng LagunaWISE.
Abangan ang susunod naming update mamayang alas-otso ng umaga, dito lang po sa LagunaWISE.