Mabilis na lumalaki ang batang Philippine eagle na si Riley, na ngayo'y nasa 3.2 kg na ang timbang sa edad na 49 days old, ayon sa Philippine Eagle Foundation.
"Not only is more juvenile plumage coming in, but Riley is also starting to play with sprigs in the nest and doing adorable little play bites." #News5
Sinabihan ni Pres. #BongbongMarcos Jr. si Sen. #SonnyAngara na mas tutukan ang pagtuturo ng kasaysayan ng Pilipinas sa mga paaralan. Ito'y matapos italaga ni Marcos si Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education #DepEd . Matatandaang inakusahan si Marcos at kanyang pamilya ng pagbali sa kasaysayan, partikular na ang mga kalupitan at pang-aabuso noong #MartialLaw . Ani Marcos, mahalaga ituro ang kasaysayan ng bansa upang mas maintindihan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagiging Pilipino. Hinimok din niya si Angara na gawing mas simple ang curriculum para mas madaling maintindihan. #News5