Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in
BAKIT INUUSIG TAYO?
Dahil ito ang Pattern ng Panginoon
A.Dahilan ng Pag-uusig batay sa Biblia at Ano ang Dapat Gawin upang Magtagumpay
I. BAKIT INUUSIG ANG MGA TAGASUNOD NI CRISTO?
1. Ito ang Pattern ni Cristo
"Kung ako'y inusig nila, kayo man ay kanilang uusigin."
— Juan 15:20
Si Jesus mismo ang unang dumanas ng pag-uusig—mula sa mga Hudyo, mga pinuno ng relihiyon, hanggang sa mga Romano.
Ang sinumang sumusunod sa yapak ni Cristo ay tiyak na makakaranas din ng pagsalungat.
2. Dahil Tayo'y Hindi Taga-Sanlibutan
"Hindi kayo taga-sanlibutan... kaya kinapopootan kayo ng sanlibutan."
— Juan 15:19
Ang pamumuhay ayon sa katuwiran ay salungat sa sistema ng mundo na puno ng kasamaan at kamunduhan.
Ang pagsunod sa Diyos ay naglalantad ng kasalanan ng iba, kaya tayo'y sinusupil.
3. Dahil Sa Katotohanang Daladala Natin
"Mapapalad kayo kapag kayo'y inaalimura at inuusig at pinagwiwikaan ng lahat ng masasama laban sa inyo na pawang kasinungalingan, dahil sa akin."
— Mateo 5:11
Ang mensahe ng Ebanghelyo ay hindi palaging tinatanggap. Ito'y nagdadala ng liwanag sa kadiliman—kaya't nilalabanan.
4. Dahil sa Pagtataglay ng Katwiran
"Oo, at lahat ng nagnanais mabuhay ng may kabanalan kay Cristo Jesus ay daranas ng pag-uusig."
— 2 Timoteo 3:12
Hindi lahat ng pag-uusig ay resulta ng mali. Minsan ito'y tanda ng tamang pananampalataya.
#PAYO_NG_GMOTH
II. ANO ANG DAPAT GAWIN UPANG MAGTAGUMPAY SA MGA PAG-UUSIG?
1. Manatiling Matatag at Tapat
"Magpakalakas ka sa biyaya na nasa kay Cristo Jesus."
— 2 Timoteo 2:1
Huwag matakot o manghina. Huwag magkompromiso sa katotohanan.
2. Magalak sa Gitna ng Pag-uusig
"Magalak kayo at magsaya sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit."
— Mateo 5:12
Ang pag-uusig ay patunay ng ating tunay na pagkakakilanlan bilang mga anak ng Diyos.
3. Ipagkatiwala ang Lahat sa Diyos
"Ipagkatiwala sa matuwid na Hukom ang inyong sarili."
— 1 Pedro 4:19
Ang Diyos ang huling maghahatol. Siya rin ang magbibigay ng katarungan sa tamang panahon.
4. Ipagpatuloy ang Gawain ng Panginoon
"Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, kayo’y maging matatag, hindi natitinag, laging sagana sa gawa ng Panginoon."
— 1 Corinto 15:58
Huwag hayaang mapigilan ng pag-uusig ang ating misyon. Ang ating tapat na paglilingkod ay hindi mawawalan ng kabuluhan.
III. KONKLUSYON:
Ang pag-uusig ay hindi kabiguan kundi bahagi ng tagumpay. Ito’y isang tanda na tayo’y nasa tamang landas. Tulad ni Cristo, ang landas ng kadakilaan ay dumadaan sa krus ng pag-uusig—ngunit patungo ito sa tagumpay ng pagkabuhay at kaluwalhatian.
"Kung tayo'y nagtitiis, tayo rin ay maghahari kasama Niya."
— 2 Timoteo 2:12



#Apostleship
#Sinugo_ng_Dios
#Pagka -Apostol
#fbyシvideo
#fb
#reelsviralシ
loved
4
laughed
1
shocked
1