Halo-halo, hindi iniwan ng babaeng lumikas matapos ang magnitude 7.0 na lindol | YouScoop+
Hindi na nabitawan ng isang babae ang kaniyang kinakain na halo-halo nang lumabas mula sa isang establisimyento sa General Santos City matapos maramdaman ang lindol sa lugar.
Ayon kay YouScooper Quennie Rose Canindo, biglang nagtakbuhan ang mga tao palabas nang maramdaman nila ang paglindol, "Nagtatawanan kami \[ng husband ko\] kasi \[si\] nanay, may bitbit na halo-halo."
"\[Hindi\] niya po binitiwan kasi takam na takam siya sa halo-halo at para hindi daw siya ma-stress sa lindol kaya kinain niya na sa labas," dagdag pa ni YouScooper Queenie.
Ligtas namang nakauwi sa kanilang tahanan sina YouScooper Queenie at ang kaniyang asawa matapos ang naramdamang lindol. #YouScoop #philippines #pinoy #ph